My brief story 

Hello , Working Online is legit. Padami na ng padami ang mga Filipinos ang nasa work from home setup working for a foreign employer. And you know what? Mas malaki pa ang kinikita nila kesa sa kapitbahay mong supervisor or manager. 

At karamihan pa nga ay kumikita ng mas malaki pa sa isang employee na 20 years na sa serbisyo dito sa ating bansa. The good thing with working from home is that you don’t need to struggle waking up very early from day to day and rush to the jeepney terminal to queue for at least 1 hour or sometimes, more. 

Pag working from home ka, lagi mo pang kasama ang iyong pamilya, nabibili mo ang needs ng family at laking tipid pa sa pamasahe. 

I was a private school teacher before. I woke up very early to go to work. At dahil may mga kids akong sa same school nag aaral, kasali na sa pag aasikaso sa kanila ang day to day tasks. Kaya’t sa school na kami kumakain dahil wala ng time sa bahay. 


                                                          
                                                 My school desk, the Year 2018.


With my students 



After a long and tiring day sa school , uuwi ka pa at maghahanda ng hapunan at maglilinis ng bahay. Naging routine na sa amin ang ganuong sitwasyon. I was only earning 9,000 pesos as a teacher. Dahil kulang ang sahod, umuutang kami sa canteen. At mas malaki pa ang aking utang sa canteen kesa sa sahod. 

 March 2020 nagkaroon ng malawakang lockdown dahil sa Covid-19. Nagsara ang aming school temporarily. Pina loan kami ng school ng 10k each para pang gastos. Tumagal ang Covid pandemic at lumala pa ng lumala. To cut the story short, nagsara na ng tuluyan ang aming school. Marami kaming naapektuhan sa crisis na ito.Nawalan kami ng sahod. Kaawa awa ang aking mga kasamahan dahil maraming umaasa din sa kanila, halos lahat kasi ay bread winner. 

 On my part, hindi ako masyadong naging affected financially, dahil habang ako ay nagtatrabaho bilang teacher, ay meron na rin akong side job as a virtual assistant. I was already working for a Chicago-based client at that time 3 months prior to the pandemic. I was earning $4 per hour and working for 5 hours a day. 

Ang kagandahan dun ay ginagawa ko lang ang tasks ko sa foreign client na iyon after ng aking class schedules. So kahit na nagka pandemic ay kumikita pa rin ako. At isa pang goodnews ay may isang malaking Australian company ang nag hire sa akin during the pandemic period. Working online is a blessing. 

Kung alam mo lang na ang daming mga foreign clients ang naghahanap ng mga Filipino virtual assistants siguro ay hindi mo sasayangin ang iyong panahon sa pag aaral tungkol dito.